Wednesday, February 15, 2012

" Talambuhay ni Jayvee Flores "




Ako si Jayvee Flores nakatira sa San Pablo City, Laguna. Labing anim na taong gulang . Ako na yata ang pinaka maswerte pagdating sa mga nagiging karanasan. Wala kase kami nagiging outing na hindi kasama ang mga kamag- anak at pamilya. Naalala ko nung limang taon lang ako wala pa akong kaalam- alam nung pumunta kami sa Baguio kasama ang mga pinsan ko. Natatandaan ko rin nunng buhat – buhat ako ng tito ko habang kumain kame ng tanghalian. Ang sarap ng kain namin nun kasi ang saya namin tapos ang dami pang pagkain ikaw ang magsasawa sa pagkain. Hindi ako nakaramdam ng pagod kase sobarang exciting ang mga ginagawa namin. Hanggang ngayong labing anim na taon na ako binabalik- balikan ko pa rin ang mg masasayang sandal na lumipas sa akin.  Ang malungkot nga lang ako lang ang nakasama sa pamilya ko kase pinagbubuntis ng mama ko ang unang magiging kapatid ko kaya hindi sila nakasama. Masaya rin ako nung pag- wi namin kase nun ko lang nalaman na pinagbubuntis pala na mama ko ang unang magiging kapatid ko. Hindi ko makakalimutan yun kase yun ang kauna- unahan kung outing kasama ang pinsan at kamag- anak.
Tita ko
Hindi pa yun ang una at huli kase papauwi na nang pilipinas ang tita ko na galling sa ibang bansa. Linggo ng umaga maaga kaming gumising ng mga pinsan ko para sumama sa pagkaon sa tita ko sa airport. Pagkakita namin sa kanya dali- dali kaming nagtakbuhan papalapit sa kanya upang kamustahin at yakapin. Sobra kong na miss ang Tita ko kase sa lahat siya ang pinakamabait sa akin kase ako raw ang paboritong pamangkin niya. Pagkauwi namin sa bahay sabik na sabik ang lahat sa mga dalang pasalubong ng tita ko. Ako at ang pinsan kong ka- close ko ang una niyang nilapitan at binigyan nya kami ng laruang robot. Yun ang pinaka- una kong naging laruan galling sa Tita ko. At masaya rin ang buong pamilya sa mga natanggap nilang mga pasalubong galling sa mabait kong tita. Kinabukasan habang kumakain kame nang agahan. Nagtaka ako kung bakit maraming pinamili ang tita ko ngayong wala naming okasyon. Nilapitan ako ng tita ko at tinanung ako kung gusto kong sumama. Saan naman po tayo pupunta? Sabi niya na pipiknik lang sa ilog at sumagot ako ng oo. Habang abala ang lahat sa paghahanda ng kanilang gamit. Sumakay na lang ako sa sasakyan naming gagamitin. At nakipaglaro sa mga pinsan ko.
Habang nasa biyahe masayang nagkukuwentuhan ang lahat ng kamag- anak namin. Nagtaka uli ako kase ilang oras na kaming bumabiyahe ay hindi pa kami nakakarating kaya’t tinanong ko uli ang tita ko kung saan talaga kami pupunta. at sinabi ang totoo na sa tagaytay daw kami magpipiknik. Tawang – tawa ako kase akala ko na sa ilog lang kami magpipiknik. Di nagtagal ay nakarating na rin kami sa tagaytay at ako ang kauna- unahang bumabang sasakyan upang magpabili sa Tita ko ng ice cream. Na nakapuwesto sa kalsada. Pagbaba ko bumaba na rin ng sasakyan ang mga pinsan ko para magpabili rin ng ice cream. Hindi mapigilan ang mga pinsan kong adik sa mga picture taking. Hindi ata sila tumigil sa pagpipicture haggang kumain na kami ng tanghalian.
Matapos ang araw na iyon sabik na sabik na akong pumasok ng kinder. Ilang lingo ang nakalipas pumunta na kami ng mama sa bayan upang bumili ng aking gagamitin sa aking pagpasok. Pinapili niya ako kung anong gusto kong gamitin. Ilang araw ang nakalipas nai - enroll na ako ng mama ko at kulang na lang ay ang pagpasok ko. Nung unang araw ng pasukan medyo naiilang pa ako sa mga kasama ko sa classroom kase hindi ko sila lahat kilala. Nung nakita kong papaalis na si mama di ko alam kung bakit bigla akong umiyak nun siguro natatakot pa akong mag- isa. At agad naman akong nilapitan ng  mabait kong titser at sinabi na wag nang umiyak at babalik ang mama ko. Makalipas ang isang oras na pakikinig sa aking titser at sinabing wag daw kaminglalabas ng classroom hangga’t walang hindi kami kinakaon na aming mga magulang. Ilang sanadli lang ay nakita aking tricycle na gnagamit ng aking tiyuhin sa pagbiyahe. At nakita ko rin na nakasakay sa loob ang aking mga pinsan upamg ako ay kaunin. Pag- uwi ko sa bahay tinanung ako ng aking lola kung anu raw ang ginawa ko sa skul. Sabi tinuruan kami ng aming titser na magsulat ng aming pangalan.
Makalipas ang ilang buwan ng aking pagpapakahirap sa kinder. Sinabi sa akin ng aming titser na pwede na raw kaming tumntong sa grade one. At  masayang – masaya kaming lahat sa sinabi ng aming titser. At ilang araw ulit ang nakalipas ginanap ang aming graduation sa liceo. Akala ko kami lang magkakaklase ang mga tao nandun  yun pala hindi lang kami ang mga gagraduate ng kinder.
Matapos ang graduation tuwang – tuwa ako nun kase makakapaglaro nanaman ako ng malaya. At makakapagbakasyon ako sa mga tita.  Pumayag naman ang mama ko na magbakasyon ako sa mga tita ko. Pagdating namin sa bahay ng mga tita ko wala akong inatupag kundi maglaro ng playstation at kumain ng kumain. Di ko inaasahan na pupunta rin an gang pinsan ko dun para magbakasyon din. At mas ayos na may kasama akong makakalaro. Gabi – gabi naglalaro kaming lahat sa sala ng playstation hanggang madaling araw. At habang naglalaro kami ay may tumawag sa telepono at inimbita ang tita ko sa isang party na gaganapin sa isang private resort sa Calamba kinabukasan. At tinanggap ng tita ang anyaya sa kanya. Kinabukasan alas sais na nang gabi nagaayus na ng gamit ang tita ko upang pumunta sa nasabing okasyon at handa na rin ang mga gamit ko. Matapos ang ilang oras na biyahe nakarating na kami sa resort. Di ko kilala ang mga nakasama ko sa gabing iyon kaya pinakilala ako ng tita ko sa mga kasama namin. Madali kong nakaclose ang mga kasing batang kasama rin namin sa resort.
Matapos ang masayang gabing iyon at pagkawi namin sa bahay tinanung ako ng tita ko kung uuwi na ako kase ilang araw na lang ay magpapasukan nanaman. Kaya nagpasya ako na umuwi na. Kinabukasan bibisita ang mga tita ko sa lola ko at sasabay na rin ako pauwi sa amin. Maaga kami gumising para bisitahin ang Lola namin.
Pagkauwi ko sa amin agad kaming pumunta ng mama ko sa school na papasukan ko para mag – enroll sa darating na pasukan. Naging masaya ang unang araw ko ng pagiging grade  1 sa school kase madali kong nakilala ang mga kaklase ko at sobrang bait pa ng naging titser namin. Pagkaawas namin tuwing hapon ay naglalaro kami sa malawak na playground ng aming pinapasukan. Ilang buwan ang nakalipas sinabi ng aming  titser kung sino – sinu ang mga magkakaroon at aatend sa recognition. Pitong pangalan ang binanggit at masaya ako na napabilang.
Mga Pinsan
Grade 2 na ako medyo mahirap na kasi marami nang ninagawang  project at assinments. Pero may isang experience ako sa aming skul na napabilang ako at yun ay ang that’s my boy. Tatlo kaming napili sa magkaklase pero isa lang ang kailangan kaya nagpakita kami ng aming  mga talent at ako ang napili ng aming  Titser. Masaya ako na ako ang napili. Kaso natalo ako nung oras na nang labanan exciting kase lahat ng mga kalaaban galling pa sa iba’t – ibang skul. Tinawag na ang pangalan ko para magpakita ng talento kinakabahan ako nun kase hindi ko talaga hilig ang kumanta kaya wala akong nagawa. Kahit na natalo ako masaya naman nakakilala pa ng mga baong mga kaibigan.
Mga Kapatid ko
Grade 4 naman ako unti – unti ng lumalawak ang aking isipan sa mga bagay – bagay. At mas lumawak pa ito nung sumali ako sa camping  ng aming skul iba’t – ibang skul din ang mga nakasama namin nung gabing iyon. Kahit dalawang gabi lang ang camping sobrang saya lalo na yung hayking. Magkakalaban ang mga skul tapos unahan kaming makakuha ng limang flags na nakatago at makabalig sa kampo. Kami ang nanalo sa larong iyon sabi nung iba unfair daw kase sariling lugar namin ang piglabanan saulo na daw namin ang mga pasikot – sikot sa lugar. At wala na man silang nagawa kundi tanggapin ang kanilang pagkatalo. Matapos ilang linggo na lang ay bakasyon nanaman at nag – iisip na naman ako ng pwedeng magawa habang bakasyon.
Pinagpatuloy ang aking pag – aaral ng grade 5 ng elementarya sa skul ng Col. Lauro D. Dizon Elem.School na malapit sa bahay na pinaglipatan namin. Unang araw ng pasukan medyo kinakabahan ako kase wala ngi isa akong kakilala na pumapasok dun. Tahimik lang ako sa loob ng classroom at nang dumating ang aming Titser ay ipinakilala ako sa buong klase. At marami agad bumati sa akin kaya madali ko silang nakasama. Kahit na bago lang ako sa skul na yun tinanggap nila agad ako na parang matagal na nilang kakilala. Nagkaroon uli ng camping sa skul na gaganapin sa San Jose binalak ko nasumama para mas lalo ko pang makilala ang akingmga kamag – aaral. Limang araw ang itatagal ng aming camping. Wala pang sampo ang sumama sa nasabing camping pero masaya. Dahil ang daming mga palaro at ang dami ring mga activities na exciting. Gaya na lang nung obstacle na gugulong kami sa putikan na may harang na lubid. At di korin malilimutan yung gabing binagyo kami at muntik ng mapatakan ng niyog ang tinutulugan namin sa lakas ng hangin. Dali – dali naming inihanda ang aming gamit para lisanin ang lugar na iyon. Pagkauwi namin agad akong nagpalit ng damit. Inayos ko ang mga gamit ko kase lahatay basa. Syempre di konkalimutan ang binili kong pasalubong para sa bunso kong kapatid at pagkakita ko sa kanya ay ibiniay ko agad ito sa kanya.
Mga Pamangkin
Grade 6 na ako at excited na para sa aking hayskul life. Marami akong nasalihang mga contest sa aming skul tulad sa subject ng Math, Filipino, at Hekasi. Kahit na di ako nanalo ginagamit ko naman lahat ang aking mga natutunan para manalo. Malapit na ang aming gradauation day at ako ang naatasan ng aming titser na mag – lead ng opening prayer. Ilang araw rin ang aking pagpapraktis para saulihin at bigkasin ng maayos ang dasal. Hindi ko naman kakayani ng mag – isa ang magpraktis kaya’ t nagpatulong ako sa isa sa mga mababait na guro. Tinulingan niya ako na bigkasin ng maayos at maganda ng dasal para sa gradation. At dumating na ang araw na pinakahihintay naming mga magkaklase. Excited na ako nun simula pa lang kase alam ko sa sarili ko na may makukuha akong medal. Nang tinawag na ang pangalan ko para sa prayer sobrang kinakabahan ako nun kase sa harap ng maraming tao at mga supervisors at natatakot ako na baka magkamali ako. Dahil sa aking mga kaklase at mga guro na nagsasabi na relax lang ako natapos ko ang dasal ng maayos at hindi nagkakamali. Bumalik ako sa aking kinauupuan at inumpisahan na ng mga titser ang pinakahihintay namin ang awarding ceremony. Lahat kami ay excited kase lahat n gaming pinaghirapan sa loob ng anim na taon ay masusuklian sa isang bagay na aming makakmit at yun ay ang medal.
Matapos ang aking Elementary Life pinaghahandaan ko naman ang aking pagpasok ng hayskul. Habang nagbabakasyon sa bahay ng kalapit kong pinsan. At tinatanong nila ako kung saan ako papasok ng haysul. Sabi ng tita dun na lang ako pumasok sa pinapasukan ng mga pinsan ko para sama – sama na raw kami. Nagdesisyon ako na dun na rin pumasok para may magkakasabay kami sa pag – uwi at pagpasok. Gaya ng dati kasama ako ng mama ko sa pagbili aming mga gamit sa eskwela.
Mga Pinsan ko
Unang araw ng pasukan kasabay ko ang mga pisan ko sa pagpasok, pagdating sa skul agad nila akong ipinakilala sa kanilang mga naging kaklase at mga kabarkada. Masaya ako na napapunta sa section A kase naging mataas ang mga grades ko nung elementeary. Di ko inaasahan na magiging kaklase ko ang mga naging kaklase nung elementary sa banaad. At tulad ng dati naming samahan ay di pa rin nagbabago, kaya madali kong nakaclose ang iba ko pang mgakaklase.
 Dito ko naranasan ang mga dapat kong maranasan tulad pagkakaroon ng girlfriend. First pa lang ako ng una akong manligaw. Wala pa akong masyadong alam nun pagdating sa relasyon kaya sabi ko sa sarili ko wala namang masama na ma -  experience ang mga ganung bagay. Malapit nanaman ang pagtatapos ng taon kaya bago ito matapos ang taon nagtry out kaming tatlong magkakabarkada sa soccer. Na lalaban para sa division meet masaya ako napili kaso dalawa lang kaming napilia at ang isa naming barkada ay di nakapasok.  Dun ko naranasan ang matinding sakit ng katawan dahil sa mga training na pinapagawa sa amin ng aming Coach. Dumating na ang araw na lalaban kami sa iba’t – ibang skul. Tatlong skul lang ang maglalaban – laban at isa dito ay ang skul namin kasama ang city high at SPC. Unang laban namin ay nakalaban namin ang city high matagal pala ang oras ng laban halos isang oras. Tinawag ako ng aming coach para palitan ang isa naming kasamahan na pagod na pagod na. Ipinakita ko ang aking mga natutunan sa training para makapasok sa STCAA at manalo sa laban. Makalipas ang ilang minutong labanan sa score 2 – 0 natalo kami at tinaggap namin ang aming pagkatalo ng buong loob.
Matapos ang laban nanood kami ng laban ng baseball na malapit lang din sa pinaglabanan namin. At nakita namin na skul na pala namin ang lumalaban. Ang daming sumisigaw na mga ka skulmeyt kasi dikit ang labanan sa pagitan ng dalawang skul. At din a nagtagal ang laban nanalo ang skul namin laban sa skul ng san cristobal. Kinabukasan nag – aantay kami kung sinu ang aming makaklaban sa araw na iyon. Habang nag – aantay ay pinanood namin ang laban ng city high at spc di nagtagal dumating ang aming coach at sinabing kung sinu ang matatalo sa laban sa pagitan ng spc at at city high ay yun ang aming makakalaban. Natapos na ang laban sa pagitan ng dalwang skul natalo ang spc laban sa city high kaya naman spc ang makakalaban namin.
Makalipas ang apat na oras ng paghihintay nagumpisa na ang laban namin ng SPC. Marami kaming naging error sa laban na yun hanggang sa makaiskor ang kalaban. At di hanggang sa matapos ang laban ay din a kami nakabawi pa ng iskor at natalo kami sa laban. At gaya ng una naming pagkatalo tinanggap namin ito ng lubos sa aming kalooban.
Matapos ang ilang araw na Division Meet balik na ulit kami sa klase at gawin ang mga projects at lecture na dapat tapusin dahil sa ilang araw kaming nawala. Malapit na uling matapos ang taon lahat ay abala sa pagtapos ng mga projects para mapirmahan ang clearance at makapag – enroll sa susunod na pasukan. Hindi ako nakapagasikaso ng aking clearance dahil nagkasakit ako ng halos isang linggo. Kaya naman inantay ko ang susunod na pasukan paraa asikasuhin ang aking clearance.
Second year na ako at gaya ng dati kaming nagkaklase pa rin ang magkakasama dahil tatlo lang ang section ng second year sa skul na yun. Masaya ako na nakapasa sa first year at pahirap pala ng pahirap ang mga pinag – aaralan habang tumataas ka ng year level. Sobrang tutok kami sa pag – aaral nun kase kukuha kami ng NAT Exam halos gabi na kami umuuwi dahil sa pagrereview pero kahit ganun ayos lang kase sobrang bait naman ng aming adviser di niya kami pinapabayaan. Di ko malilimutan yung araw ng birthday nun kase nagambagan kami para bumili ng cake at naisipan pa ng mga kaklase ko na magpatarpulin pa na may kasamang class pictre namin para daw pag graduate namin ay may maiwang di malilimutan ang section nay un at ang aming samahan.
IV-GALILEI YEAR 2011 - 2012
Makalipas ang ilang buwan magpapasukan na naman at iniisip ko lumipat na ako ng skul na pinapsukan kase nahihirapan na ako lagi kase akong naleleyt sa klase. Mahirap kaseng magsakay dahil malayo sa bahay namin ang skul na pinapasukan ko. Kaya’t sinabi k okay mama na lilipat na ako ng skul at sinabi ko na sa Dizon High ko gustong magtapos ng aking pagpasok sa hayskul. Nagpatulong ako sa aking tita na nagtuturo sa Dizon High para magenroll. Madali akong nakaenroll dahil sa tulong ng aking tita at nung unang araw ng pasukan sinamahan pa niya ako sa aking room. Napapunta ako sa Section G kase leyt na raw akong nagenroll para sa akin ayos lang. Pagpasok ko ng room medyo kinakabahan ako kasi wala akong kakilala. Halos lahat ng mga kaklase ko ay magkakakilala na maliban lang samga kagaya ko na transferee din. Una kong kinausap ang isang transfer na galing pa sa Batangas. Naging masaya ang unang araw ko nun kase sobrang kwela ng mga kaklase ko nun medyo maiidad na. sobrang pasamalat ko nun na dun ako napasama sa section na yun.